Duterte
National

Shoot to kill order, ipinag-utos ni Pang. Duterte laban sa mga miyembro ng NPA

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang shoot to kill order laban sa mga miyembro ng New Peoples Army (NPA).

Kasunod ito ng panibagong pag-atake ng mga rebelde sa Magallanes, Sorsogon na ikinasugat ng tatlong pulis at isang sibilyan sa kabila ng umiiral na ceasefire na idineklara ng NDF-CPP-NPA.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Barangay Summit on Good Governance Region 11 sa Davao City kahapon, nagbabala din ito na hindi na tatanggap ng mga NPA surrenderee sa mga susunod na panahon dahil sa patuloy na pag-atake ng mga ito kahit may tigil putukan.

Sinabi ng pangulo na hindi nararapat kaawaan ang mga rebelde dahil malupit at brutal ang mga ito.

Iginiit ng Pangulong Duterte na hindi naman siya ang humingi ng unilateral ceasefire pero mismong ang NPA ang sumira sa deklarasyon nang isagawa ang pag-atake sa Sorsogon at pagpatay sa asawa ng isang CAFGU sa Davao.

Magugunitang idineklara ng CPP ang tigil-putukan mula 12:01 a.m. ng December 24, 2018 hanggang 11:59 p.m. ng December 26, 2018 at mula 12:01 a.m. ng December 31, 2018 hanggang 11:59 p.m. ng January 1, 2019

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *