National

Sereno, dapat dumalo sa impeachment hearing ayon kay Speaker Alvarez

DAPAT magkaroon ng oras si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dumalo sa pagdinig ng House Justice Committee sa kanyang impeachment case.
 Ito ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa balak na pag-snob ni Sereno na dumalo sa hearing ng Kamara.
Kinuwestyon ni Alvarez ang kawalan ng panahon ni Sereno na humarap sa house panel gayong may oras ang chief justice na magpa-interview sa mga talk show.
Dagdag ni Alvarez na ito ang legal na proseso na ibinibigay kay sereno kaya’t bakit ayaw itong harapin ng punong mahistrado.
Sinabi ni Alvarez na pagkakataon na ng punong mahistrado na harapin ang impeachment complaint at sagutin ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.
Bahagi aniya ito ng due process na nais ibiga ng Kamara kay Sereno.
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *