Senior high teacher sa Zamboanga del Sur, arestado dahil sa pagbenta ng shabu

Senior high teacher sa Zamboanga del Sur, arestado dahil sa pagbenta ng shabu

ARESTADO ang isang senior high school teacher matapos itong nahuling nagbebenta ng crystal meth o shabu sa mga undercover government agents sa isinagawang buy-bust operation sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang suspek na si Norberto Cesar Apiag II na nagtuturo sa Francisco Relacion High School sa Bayan ng Labangan ng nasabing probinsiya.

Nahuli ang suspek habang nag-aabot ng pakete ng sigarilyo na may lamang shabu kapalit ang 1,000 pisong marked money.

Narekober mula kay Apiag ang anim na sachet ng meth sa loob ng pakete ng sigarilyo at ang mobile phone na ginamit nito sa kanyang mga drug transactions.

Ayon kay Zamboanga del Sur Director of the Philippine Drug Enforcement Agency na si Cesario Judilla Jr., kilala na si Apiag bilang drug user noon pa man.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *