Senior Citizens Party-list Rep. Francisco Datol, pumanaw na

Senior Citizens Party-list Rep. Francisco Datol, pumanaw na

PUMANAW na si Senior Citizens Partylist Rep. Francisco Datol ngayong araw.

Sa mensahe ni Secretary General Jose Luis Montales, ilang oras pa lamang ang nakalipas nang pumanaw sa ang kongresista.

Bago pumanaw, nag-iwan ng legasiya si Datol para sa milyon-milyong senior citizens ng bansa.

Si Congressman Francisco Datol ang main author ng RA No. 11350 or the National Commission of Senior Citizens Act.

Sa ilalim ng batas, magkakaroon na ng sariling komisyon ang mga senior na siyang tututok sa pensyon, programa at pagbibigay ng proteksyon sa mga nakatatanda.

Ngayong COVID-19, aktibo rin si Datol sa mga panawagan na bigyan ng proteksyon ang seniors.

Katunayan, nanawagan ito na ibigay ng buo ang isang taong pensyon ng mga seniors para makatulong sa panahon ng pandemya.

Isa rin ito sa mga aktibong nanawagan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD sa nagdaang congressional inquiry dito sa Kamara na tiyaking matatanggap ng mga qualified seniors ang ayuda sa ilalim ng SAP cash aid.

Disyembre ng 2019 ng manumpa si Congressman Datol bilang kinatawan ng mga Seniors matapos katigan ng Commission on Elections.

Noong 2019 elections, may dalawang kandidato na umangkin sa posisyon bilang kinatawan ng Senior Citizens Party list subalit si Datol ang kinatigan ng Comelec.

Si Datol ngayon ang chairman ng Special Committee on Citizens ngayong 18th Congress kungsaan marami pang mga panukala ang nakabinbin sa Kamara para sa mga seniors.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *