Senator Pacquiao, tinanong sa hindi pagkondena sa CPP-NPA-NDF

Senator Pacquiao, tinanong sa hindi pagkondena sa CPP-NPA-NDF

PINUNA ni Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ si Senator Manny Pacquiao sa hindi nito pagkondena sa CPP-NPA-NDF sa kabila ng sunud-sunod na insidente ng pamamaslang at panggugulo ng rebeldeng grupo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito’y matapos ang pagsagot si Pastor Apollo sa gagawin hakbang ng paghahabla ni Senator Manny Pacquiao laban sa butihing Pastor.

Ayon kay Pastor Apollo, na handa itong sumagot kay Pacquiao kahit saang korte kasabay ng hamon ng isang marangal na debate para liwanagin ang mga isyu.

“Sabi mo kasi you are a fighter inside the ring and outside the ring. Ngayon, idedemanda mo ako hindi mo naman alam kung paano mo ako idemanda. So, kung magdedemanda ka may abogado ka, may abogado rin ako, eh di sila ang mag-aaway doon sa korte. Tayo kung gusto mo, sa ring of public opinion,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Hinahamon kita Senator Manny Pacquiao sa isang marangal na debate. Pili ka kung saan: Dito sa istasyon ng SMNI o pili ka kung anong media outlet na gusto mo… sa isyu ng P3.5-B na ikaw ang author at nagpasalamat ka pa kay Pangulong Duterte na pinirmahan niya ang bill na ito,” dagdag ng butihing Pastor.

Bagama’t kinikilala naman ni Pastor Apollo ang katapangan ng senador sa pagpuna sa mga aniya’y korupsiyon sa bansa, pero bakit tila tahimik si Senator Manny Pacquiao pagdating sa mga pagkondena sa mga ginagawang mga karahasan, pagpatay sa mga sundalo’t sibilyan, pang-aapi sa mga mahihirap at insurhensya sa bansa dulot ng makakaliwang grupo

Sa kanyang live TV program na Give Us This Day, sinabi ni  Pastor Apollo  na matagal na nitong napapansin at nagtataka na tila walang kibo ang ilang politiko kasama na ang senador sa mga ginagawa ng mga komunistang teroristang grupo na CPP NPA NDF.

Ayon pa kay Pastor Apollo tila walang halos tumutulong na mga politiko sa mga nabibiktima ng mga communist terrorist group sa bansa.

Isang kabaliktaran para sa isang public servant na walang pakialam sa mga nakakaawang biktima ng insurhensiya  mula sa kamay ng mga NPA.

Hindi na bago para sa ilang opposition officials ang tahasang pagkondena nila sa anti insurgency campaign ng Duterte Administration, pero para kay Pastor Apollo, dapat maging huwaran ang mga poltiko sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa kabilang banda matatandaang, kaliwa’t kanang implementation program ang ipinagkakaloob ngayon ng The Kingdom of Jesus Christ at SMNI Foundation para tulungan ang mga nangangailangan na mga mamamayan saan mang dako ng bansa.

Target dito na maabot ang pinakarurok na lugar sa Pilipinas na mahandugan ang ayuda maipadama ang pagmamahal ni Pastor Apollo sa mga mhihirap na komunidad lalo na ang mga nasa laylayan at biktima ng matagal nang kaguluhan o panggigippit ng mga CPP-NPA-NDF.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *