Senator Pacquiao, inanunsyo ang pamamaalam sa boxing

Senator Pacquiao, inanunsyo ang pamamaalam sa boxing

OPISYAL ng inanunsyo ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang pagretiro o pamamaalam sa boxing upang paghandaan ang kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Matapos batikusin sa kanyang urong-sulong na disisyon sa pamamaalam sa boxing ay isang mahabang thank you video ang ipinost sa kanyang official facebook page.

Sa video ay pinasalamatan ni Pacquiao ang lahat ng mga sumuporta at tumulong sa kanyang boxing career mula sa kanyang pag-uumpisa pa lamang.

Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang kanyang pamilya, kamag-anak, mga kasamahan sa boxing dito sa Pilipinas at abroad.

Sa buwan ng Agosto ay natalo si Pacquiao, sa natatanging eight division champion, sa kanyang laban sa Cuban na si Yordenis Ugas sa isang WBA welterweight world title match.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *