Senator Migz Zubiri, kinumpirma ang pag-positibo sa COVID-19

Senator Migz Zubiri, kinumpirma ang pag-positibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ni Senador Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na positibo ito sa COVID-19 matapos ang pagkuha ng test nakaraang Biyernes.

Sinabi ni Zubiri na nakatanggap ito ng tawag mula kay DOH Sec. Francisco Duque kaugnay sa kanyang kondisyon.

Labis aniyang ikinalulungkot ang naging resulta ng kanyang test ngunit nagbigay sa kanyang kasiglaan ang pagiging asymptomatic at walang nararamdamang sintomas kagaya ng lagnat, ubo, panghihina o sakit sa ulo.

Mabuti na lamang aniya na nagdesisyon siyang magpa-self quarantine at nagawa nitong maprotektahan ang pamilya mula sa kontaminasyon.

Mananatili namang naka-isolate ang senador sa loob ng sampung araw at inaasahan nito na magiging negatibo na ang resulta pagkatapos.

Pinaalalahanan din ng senador publiko na makinig sa babala ng gobyerno at iwasang lumabas ng kani-kanilang bahay upang makaiwas sa nakamamatay na virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *