Senator Go, nanindigan na hindi interesado sa pagtakbo sa pagkapangulo

Senator Go, nanindigan na hindi interesado sa pagtakbo sa pagkapangulo

MULING nanindigan si Senator Bong Go na wala siyang interes sa pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na eleksiyon.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang desisyon ni Senator Bong Go kasunod ng opisyal na nominasyon bilang standard bearer ng partidong PDP Laban.

Sa kabila nito, nanindigan si Go na hindi siya tatakbo sa mas mataas na posisyon.

Gaya ng mga nauna nitong pahayag, itinuturing ng senador na sakit sa ulo ang posisyon ng isang presidente.

Pero paglilinaw ng senador kung wala naman na talagang ibang maikonsidera ang pangulo at partidong PDP Laban, ipauubaya nalang muna nito sa Diyos ang kapalaran kung tatakbo siyang katandem ni Pangulong Duterte sa 2022 elections.

Pero sa ngayon aniya, hahayaan muna nito ang partido na makahanap ng tamang tao na papalit sa pwesto ni Pangulong Duterte.

Sa kabilang banda, iginiit ng PDP Laban Party na handa silang maghintay sa magiging desisyon ni Senator Bong Go bago ang petsa ng pagpipila ng kandidatura ngayong Oktubre.

Bukod sa dasal, hindi anila magsasawa ang partido na hingin ang permiso ng senador para tumakbo ito bilang susunod na pangulo ng bansa.

BASAHIN: Senator Bong Go, hindi interesado na tumakbo sa pagkapangulo

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *