Senator Dela Rosa, tiniyak na hindi magiging underdog sa 2022 elections

Senator Dela Rosa, tiniyak na hindi magiging underdog sa 2022 elections

TINIYAK ni Senator Ronald “Bato’’ Dela Rosa na hindi sya magiging underdog sa 2022 elections.

‘’Karapat-dapat na kalaban ang mga kumandidato bilang Pangulo sa 2022 elections.’’

Ito ay ayon kay Senator Dela Rosa sa panayam ng SMNI news na hindi sya umano magiging underdog sa 2022 elections.

Tinutukoy nito ang mga kumandidato na sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Sen. Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.

Posible pa ayon kay Dela Rosa na sya ang lalabas na underdog o pinakamahina dahil sya ang panghuling nagdeklara ng kanyang kandidatura.

“Sila lahat ay malalakas. Hindi ‘yan tatakbo nang basta-basta na hindi nila alam na hindi sila malakas. Talagang malalakas yan sila at sila lahat ay worthy opponents. Baka lalabas pa na ako ‘yung pinakamahina nilang kalaban dahil ako ‘yung pinaka-last na nagdeclare ng aking candidacy. Dapat magsusumikap ako rito ng husto para maka-catch up sa kanila hangga’t hindi pa dumarating ‘yung araw ng halalan,”ayon kay Senator Dela Rosa.

Tiniyak naman ng senador na sinsero sya sa kanyang pagtakbo bilang Pangulo ngunit bukas umano sya sa mga pagbabago bago sa darating na November 15.

Sakaling hindi talaga magbabago ang desisyon ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, wala umanong magagawa si Sen. Dela Rosa.

Nakahanda naman aniya sya na kalabanin sa pagka-pangulo ang mga nabanggit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *