Senator De Lima, naghain ng panukala para sa libreng COVID-19 vaccine sa lahat ng Pilipino

Senator De Lima, naghain ng panukala para sa libreng COVID-19 vaccine sa lahat ng Pilipino

NAGHAIN si Senador Leila de Lima ng Senate Bill 1942 o Libreng Bakuna Kontra COVID-19 Para sa Lahat ng Pilipino Act na magbibigay ng libreng COVID-19 vaccine sa lahat ng Pilipino sa bansa.

Sa nasabing panukala, maglaan ng pondo ang pamahalaan at imandato sa health system na magbigay ng libreng bakuna para sa lahat ng mga Pilipino sa bansa.

Naniniwala si De Lima na kailangang matiyak na mabigyan ng libreng COVID-19 vaccine ang lahat ng mga Pilipino partikular na sa mga mahihirap na sektor sa lipunan.

Matatandaang niratipakahan sa Senado ang P72.5 bilyon para sa COVID-19 vaccine upang mabakunahan ang 60 porsiyento na populasyon ng bansa.

Ngunit sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nasa P73 bilyon ang kakailanganin para mapabakunahan ang 60 milyong Pilipino.

Tinataya aniyang nasa $25 o P1,200 ang halaga ng bakuna sa bawat tao at ang nasabing halaga ay sapat na para sa pagbakuna sa 60 milyong Pilipino.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang herd immunity ay magprotekta sa populasyon mula sa virus kapag nababakunahan nito ang 60 hanggang 70 porsiyento sa populasyon ng bansa.

Kabilang sa COVID-19 vaccine na maaaring gamitin ng bansa ang AztraZeneca na mula sa United Kingdom, Sinovac mula sa China at Pfizer na mula naman sa Amerika.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *