Senator Bong Go, hindi magbabago ang isip na suportahan si Mayor Inday sa pagka bise-presidente

Senator Bong Go, hindi magbabago ang isip na suportahan si Mayor Inday sa pagka bise-presidente

WALANG makapagpapabago sa desisyon ng Presidential aspirant na si Senator  Christopher ”Bong” Go  na suportahan nito sa kandidatura si Mayor Inday Sara Duterte sa pagkabise-presidente sa susunod na halalan.

Bukod sa utang na loob,  hindi ikinaila ni Presidential aspirant Senator Go na buo ang kanyang paninindigan na suportahan nito si Mayor Inday na tumatakbo sa pagkapangalawang pangulo sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang partido.

‘’May mga napag-usapan na between parties…siya mismo ay anak ng aking boss,’’ayon kay Senator Go.

Hindi rin Pabor si Senator Go na maging circus  o katawa tawa ang politika para magpalit palit ng susuportahang kandidato.

‘’Ayaw ko din namang pumili…ayaw kong maraming masaktan,’’dagdag nito.

Samantala, ilang buwan bago ang opisyal na pangangampanya, inamin ng Senador na hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang kanyang-isip sa pagtakbo sa pagkapangulo dahil sa biglaang mga desisyon.

‘’Nabigla po ako…ibinigay ko po para sa Pilipino,’’saad ni Go.

Bagamat may takot, ipinauubaya pa rin nito ang lahat sa Diyos upang tiyakin ang kanyang kapalaran sa susunod na halalan.

Pero paglilinaw nito hindi nito iniisip na umatras sa laban sa pagkapangulo ngayong darating na eleksyon sa Mayo.

‘’Iniiisip ko pa yun…yung guidance po ng ating Panginoon,’’ayon kay Go.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *