Senate resolution sa pagpapalawig ng voter registration, tatalakayin ng COMELEC

Senate resolution sa pagpapalawig ng voter registration, tatalakayin ng COMELEC

POSIBLENG tatalakayin na ng COMELEC ang pagpapalawig ng voter registration bukas.

Ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon matapos ang Senate Resolution No. 851 na layong palawigin ang voter registration na tatalakayin hanggang sa Oktubre 31.

Sa kasalukuyan, ang voter registration ay hanggang Setyembre 30 na lamang.

Ayon kay Guanzon, tiyak na i-a-agenda ni COMELEC Chairman Sheriff Abas ang resolution dahil nasa kamay ng Kongreso ang 2022 budget ng poll body.

Matatandaang una nang ibinasura ng COMELEC En Banc ang panukala na palawigin ang voter registration dahil sa kakulangan ng oras sa paghahanda ng paraphernalia para sa 2022 national at local elections.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *