Sen. Vicente Sotto III
National

Senate President Tito Sotto, naniniwala sa kurapsyon sa BuCor kapalit ng kalayaan ng mga inmates

IBINUNYAG ni Senate President Vicente Tito Sotto III na totoong may bayarang nangyayari sa pagpapalabas ng mga preso sa BuCor.

Sinabi ni Sotto sa isang interview na nagbabayad ng tig-P1.5 milyon ang mga convicted drug lords habang nasa tig-P100,000 naman ang binibigay ng nasa anim o walong inmates kapalit ng kanilang paglaya.

Ayon kay Sotto, ang impormasyon ay mula sa tatlong tumestigo sa sinasabing kurapsiyon sa BuCor.

Maliban dito, talamak din aniya ang bayaran sa mga jail officers para sa palit posisyon dahil ayaw nilang maalis sa pwesto dahil andoon ang kanilang negosyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *