Senador Imee Marcos
National

Senador Imee Marcos, kinontra ang pagbabalik ng ROTC

KINONTRA ni Senador Imee Marcos ang muling pagbuhay ng Reserved Officers Training Corp o ROTC para as mga estudyanteng nasa Grade 11 and 12 matapos itong banggitin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ika-apat na State of the Nation Address o SONA kamakailan.

Sinabi ng senadora na maraming paraan, bukod sa pagsabak sa giyera, upang maipakita ng mga estudyante ang kanilang nasyunalismo.

Sa ilalim ng Senate Bill 413 ay ipinanukala ni Senador Marcos ang pagkakaroon ng Citizen Service Program mula elementarya hanggang kolehiyo.

“Mandatory ROTC hindi ko matanggap eh, for me you cannot really force a kid to become a soldier,” pahayag ni Sen. Marcos.

“Hindi puwede yan sa mga kabataan. Makikiusap po ako ng kontra ‘yan sa ating pinirmahang UN resolution. ‘Wag naman natin idamay ang mga under age,” aniya pa.

Paliwanag ng senador na bukod sa military training ay dapat may pagpipilian ang mga estudyante tulad ng community service, disaster preparedness, at environmental protection kung saan maaari namang mahubog ang kanilang disiplina at sense of bayanihan.

Bagama’t kontra sa pagbabalik ng ROTC, ay hindi naman tutol ang senadora sa hiling ng pangulo na isama ang kasong plunder sa mapapatawan ng death penalty gaya ng pag-aalinlangan ng ilang senador.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *