Senado, nakahandang sagutin ang petisyon na inihain ni Linconn Ong

Senado, nakahandang sagutin ang petisyon na inihain ni Linconn Ong

Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Senado at ang Senate Blue Ribbon Committee kasunod ng inihaing petisyon at Temporary Restraining Order (TRO) ni Pharmally Pharmarceutical Corporation Director na si Linconn Ong.

Sa petisyon ay kinuwestyon ni Ong ang ginawang pag-contempt at pagpapakulong sa kaniya ng komite.

Hiniling din ni Ong sa korte suprema na mapahinto at mapawalang-bisa ang naging desisyon sa kaniya ng blue ribbon na isa umanong paglabag sa Saligang Batas.

Batay aniya sa nakasaad sa Section 21, Article 6 ng Saligang Batas na dapat igalang ang karapatan ng mga taong humaharap sa mga pagdinig ng Kongreso.

Nalabag aniya ang kaniyang karapatan para sa due process.

Respondent sa petisyon ni Ong sina Senate President Tito Sotto III, Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon, at Senate Sergeant-at- Arms Rene Samonte.

Ayon sa tagapagsalita ng korte suprema, ang mga respondent ay binibigyan ng 10 araw para makapagpaliwanag.

Sinabi naman ni Sotto na nakahanda silang sagutin ang petisyon ni Ong.

‘’Senate legal will answer. No problem,” ani Sotto.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *