Sotto
National

Sen. Sotto, ipinunto ang kahalagahan ng Senado

Sa halip na ibida ang achievements ng senado sa nakalipas na sesyon ay iginiit ni Senate President Vicente Sotto III ang papel ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa pag-amyenda ng konstitusyon.

Sa kanyang talumpati sa opening ceremony ng Third Regular Session ng 17th Congress, ipinunto ni Sotto ang kahalagahan ng senado sa anumang bagay lalo na kaugnay ng legislation.

Ito aniya ay dahil kahit sa maliliit na bagay ay kailangan ng permiso ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Inihalimbawa nito ang pagpapalit ng pangalan ng paaralan sa isang liblib na lugar sa bansa kung saan kailangan ang senado.

Sinabi ni Sotto na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay hindi niya hahayaang hindi marinig ang tinig ng senado.

Positibo naman ang senate president na makapagpapasa pa sila ng mas maraming panukala na pakikinabangan ng mga mamamayan.

Pagkakasundo ng 2 Kapulungan ng Kongreso, iginiit ni Sotto

Iginiit ni Senate President Vicente Sotto III na dapat isantabi ang mga personal na isyu sa pamamalakad sa gobyerno.

Sinabi ni Sotto na dapat magkasundo ang dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Sundin ang kanilang job descriptions at gawin ang kanilang trabaho.

Inaasahan ng mambabatas na hindi dapat magkaroon ng problema kahit sino pa ang nakaupo sa Kamara de Representantes at senado.

Dagdag ng Senate President, hindi dapat makaapekto ang posibleng pagbabago sa pamunuan ng Kamara sa trabaho at ugnayan ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Inamin ni Sotto na nabalitaan niya ang planong pagpapatalsik kay ALvarez.

At ito’y papalitan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *