Sen. Pacquiao, nakatakdang mamigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo

Sen. Pacquiao, nakatakdang mamigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo

NAKATAKDANG bumisita si People’s Champ at Senator Manny Pacquiao sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Marikina City at iba pang mababang lugar sa probinsya ng Rizal.

Ito ay ayon mismo sa top aide nitong si Jayke Joson na nakatira din sa bahagi ng Marikina na nasalanta ng matinding pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses.

Ani Joson, tinawagan siya mismo ng People’s Champ upang itanong kung ano na ang kondisyon ng mga residente sa lugar at sinabing nanghihingi ang mga ito ng pagkain dahil sa tinangay ang mga pag-aari nito ng baha.

Aniya, paraan ito ng pagtulong ng senador dahil sa alam nitong hindi lang pagod ang mga tao kundi gutom narin ang mga ito.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong skedyul kung kailan pupuntahan ni Pacquiao ang mga nasabing lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *