PORMAL na hinirang
National

Sen. Honasan, pormal na hinirang bilang bagong DICT chief

PORMAL na hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Gregorio Honasan II.

Bilang susunod na kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Honasan noong Nobyembre 20.

Kinakailangang magbitiw muna si Honasan sa Senado bago maupo sa DICT.

Ang paghirang kay Honasan ay nangyari isang araw matapos opisyal na ideklara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel Consortium.

Bilang bagong telco player ng bansa.

Una nang ipinahayag ng Malacañang ang kanilang tiwala sa kakayahan ni Honasan na pamunuan ang DICT.

Papalitan ng senador si acting Secretary Eliseo Rio.

Una nang nakiusap si Rio sa pangulo na bigyan siya ng konting panahon na tapusin ang telco initiative.

Bago umupo si Honasan sa puwesto.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *