POE
National

Sen. Grace Poe, hindi pa rin kumpiyansa sa kabila ng pangunguna nito sa mga survey

HINDI pa rin nagpapatinag si re-electionist Senator Grace Poe sa pag-iikot at pangangampanya sa kabila ng pangunguna nito sa mga senatorial survey.

Sa pagbisita nito sa concert event ng motorcycle ride-sharing app na Angkas, sinabi ni Poe na hindi ito magpapakampante at itutuloy ang masinsinang pag-iikot sa mga natitirang araw bago ang botohan.

“Wala ngang sigurado hangga’t hindi nabibilang lahat ng balota, ‘yun naman talaga. Kaya nakita naman n’yo lahat kami sabay-sabay. Talagang kung saan-saan na kami nakakarating. Napakalawak ng Pilipinas kaya kailangan talaga ay magsipag para maabot lahat ito. Pero ako’y nagpapasalamat, kahit saan naman tayo magpunta, mainit ang pagtangap sa ating lahat.” – Sen. Grace Poe

Walang Partido

Batid man nito na mahirap tumakbo sa eleksyon ng walang partido, ay patuloy na nagpapasalamat ang senadora sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

“For me, I’m doing my best. 12 spots naman ‘yan, so kung makapasok talaga tayo ay maraming salamat sa ating mga kababayan, lalung-lalo na wala naman tayong partido.

“It’s really difficult when you’re running also without a party because you don’t have the same organization or logistics but it also makes you flexible in a way because if both of the ones running are your friends and they belong to different parties, you can actually visit both.”

Sa kaniyang pagbisita sa concert event ng Angkas ngayong araw, inulan ng suporta si Poe mula sa mga riders.

 

Ulat Ni: MJ Mondejar | SMNI News Channel

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *