Sen. Go, tiniyak na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte

Sen. Go, tiniyak na maayos ang kalusugan ni Pangulong Duterte

TINIYAK ni Senator Christopher Bong Go na  maayos ang  kalusugan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito’y sa kabila ng pagpositibo sa COVID-19 ng ilang miyembro ng Presidential Security Group  o PSG at ilang Cabinet Secretary ay

Sinabi ni Go na regular naman ang swab test sa Pangulo para masiguro ang kaligtasan nito mula sa COVID-19.

Tumanggi naman si Go na tukuyin kung ilan ang nagpositibong tauhan ng PSG para na rin sa kapakanan ng pangulo.

Sinabi naman ni PSG Chief Jesus Durante III na ang mga nagpositibo ay hindi naman direkta o bahagi ng close in security ng Presidente.

Hindi rin aniya malubha ang kalagayan ng mga ito na kasalukuyan ay asymptomatic naman.

Nilinaw naman ni Go na gusto ng Pangulo na lumabas ngayon para makapag-ikot sa ilang bahagi ng bansa pero hindi ito pinapayagan ng pagkakataon lalo pa at naisailalim uli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region at apat na karatig-lalawigan.

Sa ngayon aniya ay nananatili ang pangulo sa kanyang official residence sa Malakanyang.

(BASAHIN: Talk to the People ni Pangulong Duterte, ipinagpaliban)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *