Sen. Gatchalian, hinikayat ang gobyerno na tanggapin ang alok ng ABS-CBN para sa distance learning

Sen. Gatchalian, hinikayat ang gobyerno na tanggapin ang alok ng ABS-CBN para sa distance learning

WoodProfit

HINIHIMOK ni Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno na tanggapin ang alok ng ABS-CBN Network na gamitin ang kanilang transmission network para sa gagawing distance learning.

 

Maliban sa transmission ay nais ng giant network na ipagamit  ang kanilang educational program para masuportahan ang Learning Continuity Plan ng Department of Education o DepEd.

 

Ayon kay Gatchalian, dahil abot ng ABS-CBN ang malaking bahagi ng bansa, isang malaking tulong aniya ang kanilang alok upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya.

Sinasabing nasa 19 milyon  mula sa 21 milyong household sa buong Pilipinas ang kayang abutin ng ABS-CBN Network.

 

Ang network ay mayroon din aniyang mga educational program gaya ng Knowledge Channel na maaaring abutin ang 7.6 Million na mga mag-aaral.

 

Maliban dito, sinasabing ang Knowledge Channel ng ABS-CBN ay kayang ibigay ang 50 porsiyento na most essential learning competencies (MELCs) na kinakailangan ng DepEd sa darating na pasukan.

PHOTO JOB

Lumalabas naman  sa readiness report na natanggap ng Senado mula sa DepEd na nasa mahigit isang milyong estudyante ang mas gustong matututo gamit ang telebisyon.

 

Sa kasalukuyan ay naitala na nasa mahigit 22 milyon na mag-aaral ang nagpa-enroll para sa darating na pasukan.

 

SMNI NEWS

 

 

Genius Dog 336 x 280 - Animated

One thought on “Sen. Gatchalian, hinikayat ang gobyerno na tanggapin ang alok ng ABS-CBN para sa distance learning

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *