Sen. Bong Revilla, kinumpirmang positibo sa COVID-19

Sen. Bong Revilla, kinumpirmang positibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ito ay kinumpirma mismo ng senador, aniya sumailalim siya sa test matapos na isa sa kasama nila sa bahay at staff ang nagpositibo sa nasabing virus.

Sinabi pa nito na huli itong nagtungo sa Senado noong Martes sa ika-40 araw ng kamatayan ng kanyang ama na si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Kaagad naman umanong sumailalim sa self qua­rantine ang senador base na rin sa payo ng kanyang doktor habang patuloy pa rin siyang mino-monitor.

Tiniyak naman nito na negatibo ang kanyang asawa at mga anak sa naturang virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *