Militanteng grupo
National

Sen. Bong Go, tiniyak na sisilipin ang mga fraudulent claims sa PhilHealth

TINIYAK ni Senate Committee on Health and Demography Chairman Senator Christopher Bong Go na sisilipin niya ang mga fraudulent claims sa PhilHealth sa mga nakalipas na taon.

Sinabi ni Go na ito ay maliban pa sa pagtutok niya sa paggamit ng  pondo ng  Department of Health at ng PhilHealth para masigurong mapupunta ito sa mga dapat na pinaglaanan.

Samantala, kinumpirma ni Go na kakausapin niya ang National Bureau of Investigation kung bakit na-dismiss ang kaso ng WellMed Dialysis Center na sinasabing sangkot sa mga bogus claims gamit ang mga patay nang miyembro.

Binigyang diin ni Go na target niyang walang kahit na piso  sa pondo ng  gobyerno ang masayang  dahil sa mga tiwaling opisyal.

Una nang tiniyak ni Go na target nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinis ang korapsyon sa gobyerno kahit na sino pa ang masagasaan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *