Sen. Bong Go, hinikayat ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga apektado ng community quarantine

Sen. Bong Go, hinikayat ang mga ahensya ng gobyerno na tulungan ang mga apektado ng community quarantine

HINIHIMOK ngayon ni Sen. Christopher Bong Go ang mga concerned agencies ng gobyerno na gamitin ang kanilang mga existing programs para matulungan ang mga apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Sa isang pahayag sinabi ni Go na dapat mabigyan ng atensyon at suporta ang mga pinakapektadong sektor tulad na lamang ng mga senior citizens, persons with disabilities, pregnant and lactating women, solo parents, indigent indigenous people maging ang mga informal workers at transport workers.

Ani Go, maituturing ang mga ito na may limitadong galaw at kapos sa pagkukuhanan ng mga pangunahing pangangailangan.

kaya naman pakiusap ni Go sa mga ahensiya partikular na sa DWSD na gamitin nito ang kanilang programang assistance to individuals in crisis situation, pamamahagi ng food and non-food items at livelihood assistance grant.

Sa huli, naki-usap din si go na magtulungan ang lahat para mas mapabilis ang proseso ng pagbibigay ayuda sa lahat ng mga mamamayan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *