Science and Technology Week
National Technology

Selebrasyon ng Science and Technology Week, inilipat na ng Nobyembre

OPISYAL nang inilipat sa buwan ng Nobyembre ang selebrasyon ng Science and Technology Week.

Ito ay pagkaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 780 na nagdedeklara na tuwing ika-apat na linggo na ng nobyembre gaganapin ang naturang event.

Ang paglagda ng pangulo ay pag-amyenda din sa Proclamation No. 169 na na-isyu noong taong 1993, na inilalaan ang ikatlong linggo ng Hulyo bilang science week.

Ang naging paglipat na ito ni Digong ay upang masigurado ang magiging partisipasyon ng mga paaralan, mag-aaral, stakeholder at ng publiko sa kabila ng mga pagbabago ng academic calendar ng ilang kolehiyo at unibersidad.

Pangungunahan naman ng Department of Science and Technology, Department of Education, Commission on Higher Education, at Professional Regulation Commission ang week long celebration.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *