Metro

Selebrasyon ng National Heroes Day, pinangunahan ni Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Dumalo sa selebrasyon si Vice President Leni Robredo, mga miyembro ng gabinete, ilan matataas na opisyal at pamilya ng mga nasawing sundalo at pulis sa bakbakan sa Marawi City.
Sa Heroes Day message ni Duterte, hinimok nito ang lahat na ipagbunyi ang mga bayani ng bansa sa pamamagitan ng pagsunod sa batas, pagtatanggol sa bansa at pagtulong sa kapwa.
Ayon sa pangulo, ngayong araw ay binibigyang pugay ang lahat ng mga bayani na tumulong sa pagtatatag ng pundasyon ng bansa.
May temang “Taong Bayan: Ang Bagong Bayani ng Bayan” ang selebrasyon ng National Heroes Day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *