Kadayawan Festival
Regional

Selebrasyon ng ika-34 Kadayawan Festival, pormal nang inilunsad

PORMAL nang ini lunsad ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang ika-34 na Kadayawan Festival halos isang buwan bago ito magsimula.

Ayon kay Mayor Inday, ipinagdiriwang ang Kadayawan hindi lang upang bigyang dahilan ang mga Dabawenyo para magsaya sa halip ay upang hindi aniya natin malimutan ang ating pinagmulan.

Sinabi ni Mayor Inday na ang selebrasyon ay para rin sa pagpapasalamat sa mga pagpapalang natanggap magmula noon hanggang ngayon.

Nanawagan din  ang alkalde sa lahat ng mga Dabawenyo, Lumad, Muslim at mga Kristyano, na makilahok hindi lang para magdiwang o magsaya kundi para din matutunan ang kultura at katangian ng bawat isa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *