Sektor ng turismo
Business

Sektor ng turismo, patuloy na bumabagsak dahil sa COVID-19

KATAKOT-takot na epekto sa ekonomiya at sektor ng turismo ang hahagupit sa bansa kung hindi agad maaagapan ang coronavirus disease o COVID- 19.

Ito ang inilahad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat sa isinagawang joint hearing ng Committee on Economy and Tourism.

Sa tala ng Civil Aviation Board, umaabot sa 465 ang cancelled flights mula China, Macau, Hong Kong at Taiwan kada linggo dahil sa banta ng COVID-19.

Bukod pa ito sa labing isang cruise tour na nagkansela hanggang noong Pebrero 7.

Sa pagtaya ng DOT, aabot sa P42.9 billion ang mawawala sa kikitain sa turismo ng bansa mula Pebrero hanggang Abril.

Sa panig naman ng NEDA, aabot sa P22.7 billion ang magiging tourism loss ng bansa kada buwan bunsod ng COVID 2019 na posibleng magdulot ng negative point 3 percent na impact sa full year GDT growth kung magpapatuloy ng hanggang limang buwan ang COVID-19.

Information dissemination, hinimok na palakasin para mapawi ang takot ng mga turista

Nanawagan ang Department of Tourism (DOT) at National Economic and Development Authority (NEDA) na palakasin ang local tourism ng bansa upang matugunan ang pagbaba ng foreign tourism arrivals particular na mula China.

Ito ang panawagan ng DOT at NEDA sa isinagawang joint hearing ng Committee on Economy at Tourism.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbulusok ng ekonomiya dahil sa pagbaba ng bilang ng mga turista na dumadating sa bansa.

Nanawagan naman si Laguna Rep. Sol Aragones, chair ng House Committee on Tourism, sa DOH na paigtingin pang lalo ang information dissemination para mapahupa ang pangamba ng mga turista.

Sinabi din ni Aragones nakikupag-ugnayan na ang NEDA sa TESDA at DOLE upang mahanapan ng trabaho ang nasa 51 million na mga tourism related workers sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *