Camp Karingal
Metro

Seguridad sa Camp Karingal sa Quezon City, hinigpitan

MAHIGPIT na pagbabantay ng ginagawa ngayong sa Camp Karingal sa Quezon City kasunod sa banta ng militanteng grupo na susugod doon.

Ito ay kaugnay sa pagkakaaresto ng QCPD sa isang high-ranking leader ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si Esterlita Suaybaguio.

Pinagsisinungalingan ng militanteng grupo ang sinabi ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na isang mataas na lider ng CPP si Suaybaguio sapagkat isa lamang itong peace consultant.

Hihilingin din ng grupo na palayain si Suaybaguio at igiit ang pagpapatuloy ang peace talk ng National Democratic Front of the Philippines at ng pamahalaan.

Kahapon naaresto si Suaybaguio sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 89.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *