John Bolton
International

Security Adviser John Bolton, tuluyang sinibak sa pwesto ni US President Trump

TULUYAN nang sinibak sa pwesto ni US Pres. Donald Trump ang kanyang pangatlong national security adviser na si John Bolton noong Martes.

Sa kanyang Twitter post ay sinabi ni Trump na hindi siya sang-ayon sa karamihan ng mga panukala ni Bolton at pansamantalang ipapalit ang kanyang deputy na si Charles Kupperman habang naghahanap ang pangulo ng magiging kapalit nito sa susunod na linggo.

Sa kabilang banda ay iginiit naman ni Bolton na kusa niyang inalok ng resignation si Trump noong Martes at itinangging sinibak siya sa pwesto ng US President.

Ayon sa ilang White House sources ay hindi nagkasundo ang dalawa dahil umano sa mistulang may sariling pamamalakad si Bolton na hindi sinang-ayunan ng pangulo.

Si Bolton na tinaguriang foreign policy hawk ng Trump administration ay ang pangatlong Natl Security Adviser ni Trump simula pa noong Abril 2018 matapos kay Michael Flynn at Herbert Raymond McMaster.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *