SEA Games gold medalist Eumir Marcial, wagi sa unang professional match sa Los Angeles

SEA Games gold medalist Eumir Marcial, wagi sa unang professional match sa Los Angeles

NAPANALUNAN ni Olympics-bound at 2019 SEA Games gold medalist Eumir Marcial ang kanyang kauna-unang professional match sa Los Angeles laban sa American boxer na si Andrew Whitfield.

Napanalunan ni Marcial ang laban matapos ang apat na round via unanimous decision.

Ang 25 na boksingero ay nagpamalas ng kanyang pagkadominante sa laban na nagpatama ng nasa 120 punches laban sa 46 lamang ni Whitfield.

Nauna nang sinabi ni Marcial sa kanyang interview na pinahahalagahan niya ang kanyang laban bilang parte ng kanyang training para sa 2021 Tokyo Olympics kung saan maaari siyang makaharap ng ibang boksingero na naging propesyonal na rin.

Si Euir ay isa ring gold medalist sa nagdaang 30th SEA Games para sa Team Philippines at silver medalist sa 2019 AIBA World Boxing Championships.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *