Scarlett Johansson at Walt Disney, nagkasundo na sa kaso

Scarlett Johansson at Walt Disney, nagkasundo na sa kaso

HINDI na itinuloy ng American actress na si Scarlett Johansson ang kaso laban sa Walt Disney.

Ito ay matapos na nagkaroon ng settlement sa pagitan ng dalawang kampo.

Nag-ugat ang kasong ito ng akusahan ng Hollywood actress ang Walt Disney dahil sa pagpapalabas ng Marvel Superhero movie na “Black Widow” sa mga video streaming na kasama ang aktres na hindi man lang ipinaaalam sa kanya.

Ayon sa content chairman ng Disney Studios, labis silang natutuwa dahil sa pagpayag ng actress na makipag-ayos.

Ikinatuwa naman ni Scarlett Johansson ang naging hakbang nito at inaasahang magpapatuloy pa ang kanilang magandang samahan ng Walt Disney.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *