FIBA Asia World Cup
Sports

SBP, tiwalang makakapasok ang Gilas Pilipinas sa 2021 FIBA Asia World Cup

TIWALA ang presidente ng Samahan Basketbol ng Pilipinas o SBP na si Al Panlilio na makakapasok ang Gilas sa FIBA Asia World Cup na gaganapin bago matapos ang taon.

Nakatakdang makasama ng Pilipinas sa group a ang mga bansang Korea, Thailand at Indonesia.

Ang Top 2 sa anim na grupo ang papasok sa 2021 FIBA Asia Cup.

Ayon kay Panlilio, ang pagkakasama ng Pilipinas sa Group A ay nagbigay ng malaking tsansa para sa Gilas na ma-qualify sa FIBA Asia Cup dahil ang Top 2 teams sa bawat grupo matapos ang home and away windows ay automatic na makakakuha ng spot sa kompetisyon.

Dagdag pa ng SBP president na ang bansang Korea ang kailangan bantayan ng Gilas sa Group A ngunit maaalala noong 2013 FIBA Asia Championship na ginanap sa Mall of Asia Arena na kung saan tinalo ng Pilipinas ang Korea upang makapasok ang bansa sa 2014 FIBA World Cup.

Gayunpaman, hindi aniya dapat magpakakampante ang Gilas dahil siguradong paghahandaan ng bawat koponan ang magiging laban sa darating na FIBA Asia Qualifiers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *