SB19 lalabas sa Twitch livestream ng MPC Magazine ng Rolling Stone

SB19 lalabas sa Twitch livestream ng MPC Magazine ng Rolling Stone

MAPAPANOOD ang Pinoy pop group na SB19 sa Twitch livestream ng music and pop culture magazine na Rolling Stone.

Ito ay inanunsyo ng American Music and Pop Culture Magazine sa kanilang official twitter account.

Kasabay ng kanilang guesting ay nakatakdang ipapalabas din ng grupo ang kanilang extended play ng awiting “Pagsibol” na ilulunsad isang oras bago matapos ang kanilang naka-iskedyul na interview kasama ang magazine.

Sa kanilang pagpapalabas ng awit na “Pagsibol” ay sasabayan ito ng lyrics video ganun din ang special live program.

Ang extended play ng awiting “Pagsibol” ay gagawin bago ang kanilang anticipated digital concert na, “Back in the Zone,” sa Agosto Uno.

Una nang naka-iskedyul ang naturang concert noong Hulyo 18 subalit ipinagpaliban ito dahil sa “health and safety concerns.”

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *