Saudi princess
International

Saudi princess, sumailalim sa isang paglilitis sa France

BAGAMA’T matagal nang nakabalik sa royal palace ng Saudi Arabia ay sumailalim pa rin si Saudi Princess Hassa Bint Salman sa isang paglilitis o trial in absentia sa Paris.

Nahaharap sa kasong complicity to violence with a weapon at complicity to kidnap si Princess Salman na kaisa-isang anak na babae ni Saudi King Salman dahil umano sa pananakit sa isang trabahador at pagkukulong dito noong Setyembre 2016.

Ayon sa imbestigasyon, inutusan ng prinsesa ang kanyang bodyguard na igapos, suntukin at pagsisipain ang isang tubero sa kanyang harapan na nagkukumpuni sa kanyang luxury flat sa Paris matapos itong paghinalaan na kumuha ng kanyang video na lubusang ipinagbabawal ng Saudi Law.

Paliwanag ng tubero ay kailangan niyang kunan ng litrato at video ang kwarto upang maibalik ito sa orihinal na ayos matapos ang ginagawang pagkukumpuni dito.

Itinanggi ng prinsesa at ng bodyguard nito ang nasabing alegasyon habang pinagmulta ang mga ito ng 5,000 euros bawat isa at pinatawan ng anim na buwang suspended sentence.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *