Sara
National

Sara Duterte, duda sa post ni Joma Sison

Duda si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison ang nag-post sa social media.

Ito’y kaugnay post nito na may malalang karamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi naman itinuturing ni Sara na rational ang naging post ni Sison na pinapalutang nito na malapit nang mamatay si Pangulong Duterte.

Ayon kay Sara, posibleng ang care taker ni Sison ang nasa likod ng social media post.

Dahil dito, hindi na umano masosorpresa ang alkalde sa mga susunod na post ni Sison sakaling tawaging alien si Pangulong Duterte.

Joma Sison, walang death wish kay Pangulong Duterte

Kumambyo si Joma Sison sa nauna nitong pahayag kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Sison na wala siyang death wish kay Pangulong Duterte.

Aniya katunayan, nais niyang mabuhay pa si Pangulong Duterte para tanggapin ang warrant of arrest sa libu-libong umano’y biktima ng Oplan Tokhang.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *