Sandra Cam
Uncategorized

Island resort ni Sandra Cam, pinaiimbestigahan sa Ombudsman

Naghain ng petition for investigation sa Office of the Ombudsman ang negosyanteng si Lino Lim.

Ipinakilala si Lim ng kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon na siyang naghain ng nasabing mosyon na siyasatin ang inangking isla ni PCSO Director Sandra Cam.

Si Lim ay isa sa mga may-ari ng lugar na ngayon ay pag-aari na ni Cam.

Ayon kay Atty. Torreon, kinuwestiyon ng kanyang kliyente na si Lim kung papaano napasakamay ni Cam ng lugar gayong wala itong nakuhang dokumento mula kay Cam na binibili nito ang isla.

Nagkakahalaga ang kabuuang property ng kalahating bilyong piso.

Depensa ng kampo ni Lim, walang kinalaman sa pulitika ang kanilang petisyon pero bilang isang private citizen karapatan nitong kwestiyunin ang kanyang pag-aari.

Umaasa si Lim na agad na titingnan ng Ombudsman ang mosyon nito para sa nasabing usapin.

Samantala inaalam din ni Lim sa pamilya nito kung paano nailipat ang property kay Cam kasama na rito ang Tax Declaration at Deed of Sale.

Ulat Ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *