San Miguel Beer, nasungkit ang ika-tatlong pagkapanalo sa pagkatalo ng Terrafirma

San Miguel Beer, nasungkit ang ika-tatlong pagkapanalo sa pagkatalo ng Terrafirma

NATAPOS ng San Miguel Beermen (SMB) ang taong 2021 ng matagumpay dahil sa ika-tatlong pagkapanalo nito nang matalo ang Terrafirma Dyip sa iskor na 100-88 sa 2021 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa kabila ng mga hamon sa laro, lumamang pa rin ng sa puntos ang Beermen.

Sa first half pa lamang ng laro, lumamang na ang San Miguel Beermen sa iskor na 48-37.

Nakakuha si Brandon Brown ng 23 points, 10 rebounds, 5 assist at 4 steals na nakatulong sa pagkapanalo ng SMB.

Samantala, si Romeo ay nakakuhan ng 23 points habang si CJ Perez ay nakakuha ng 17 points at si Vic Manuel naman ay 14.

Mas umusad pa ang Beermen sa iskor na 3 wins-2 losses habang ang Terrafirma ay tatlong beses na sunod-sunod na natalo sa kanilang apat na laban bago magbabalik ang liga sa taong 2022.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *