San Lazaro Hospital
Health Metro

San Lazaro Hospital, nakatanggap ng protective equipment

NAMAHAGI ng Personal Protective Equipment (PPE) ang World Health Organization (WHO) Philippines sa mga tauhan ng San Lazaro Hospital sa Maynila.

Kabilang sa mga ipinagkaloob ng WHO Philippines ay mga medical goggles at face shields na magagamit ng mga staff ng ospital, lalo na ang mga health worker gaya ng mga nurse at doktor.

Ayon sa WHO Philippines, mahalaga ang papel ng mga health workers lalo na at nagpapatuloy pa rin ang banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (NCoV-ARD).

Importante aniya ang mga PPE upang maprotektahan ang health workers na front liners o siyang mga nag-aalaga at nag-oobserba sa mga pasyente na kumpirmado o may hinihinalang NCoV-ARD.

Matatandaang kilala ang San Lazaro Hospital na referral facility para sa infectious o communicable diseases at dito rin dinala ang ilang mga pasyenteng nakitaan ng sintomas ng NCoV-ARD.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *