San Juan Mayor Zamora, nagpositibo sa COVID-19

San Juan Mayor Zamora, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Sa isang Facebook post, inihayag ni Zamora na siya ay asymptomatic at nasa good physical condition.

Sa ngayon, nananatili si Zamora sa Cardinal Santos Medical Center.

Lumabas ang resulta ng kanyang test Lunes matapos ang routine swab test noong Linggo.

Nanawagan naman si Zamora sa mga nakasalamuha nito na magpasuri.

Ani Zamora, maaari siyang mag-provide ng RT-PCR swab test para sa mga ito.

Payo ni Zamora, maaaring makipag-ugnayan ang mga ito kay Dr. Rosalie Sto. Domingo, city’s health officer, Lunes hanggang Biyernes, alas 8 hanggang alas 5 ng hapon sa COVID-19 Operations Center sa San Juan City Hall.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *