San Juan LGU at DOLE, namahagi ng bike sa mga nawalan ng trabaho

San Juan LGU at DOLE, namahagi ng bike sa mga nawalan ng trabaho

NAMAHAGI ang lokal na pamahalaan ng San Juan katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng nasa 28 bicycles sa mga displaced worker ng lungsod bilang parte ng bikecination project ng ahensya.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, layon ng proyektong bikecination program na matulungan ang mga manggagawa ang nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya na makapagsimulang muli ng pagkakakitaan.

Ang mga bike ay para sa food business delivery start-ups.

Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng helmet, water tumbler, cellphone, 5 libong pisong halaga ng load at delivery bag.

Ang livelihood package ay nagkakahalaga ng 20,000 pesos.

Dagdag ni Zamora, bukod sa livelihood package na natanggap ng mga benepisyaryo ay namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng 3,000 pisong tulong pinansyal at food packs.

SMNI NEWS