San Juan City, kinumpirma ang dalawang kaso ng Delta variant

San Juan City, kinumpirma ang dalawang kaso ng Delta variant

KINUMPIRMA ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang dalawang kaso ng COVID-19 Delta variant sa lokalidad nito isang araw lamang matapos na kumpirmahin ng Quezon City na mayroon na ring kumpirmadong kaso ng nasabing variant.

Sa isang pahayag, dalawang residente na may edad 9 taong gulang at 25 taong gulang ang nagpositibo sa mas nakahahawang variant.

Ang 25 taong gulang na nagpositibo sa Delta variant ay isang asymptomatic patient na nagtatrabaho sa ibang lungsod sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa LGU ng San Juan, close contact ito ng isang 9 taong gulang na lalaking nakaranas ng lagnat matapos na magpositibo ang mga magulang nito.

Target ng San Juan na maaabot ang herd immunity nito sa katapusan ng Agosto.

Mga manggagawa sa isang factory sa QC, isasailalim sa COVID-19 swab test 

Samantala, isasailalim sa swab test ng Quezon City Government ang lahat ng mga manggagawa ng isang factory sa lungsod.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado nito at matukoy na isa ito sa close contact ng isang Delta virus patient sa ibang lungsod.

Ayon kay QC Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, huling nagtrabaho sa lungsod ang nagpositibong factory worker noong Hunyo 24.

Sinabi ni Cruz na susuriin ang lahat ng factory workers upang matiyak na walang transmission ng sakit sa lugar ng kanilang trabaho.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *