San Joaquin, Iloilo, niyanig ng sunod-sunod na lindol

San Joaquin, Iloilo, niyanig ng sunod-sunod na lindol

NIYANIG ng sunod-sunod na lindol ang San Joaquin, Iloilo ngayong umaga.

Pinakamataas na naitala ang Magnitude 4.5 na lindol, kaninang alas 8:27 ng umaga.

Naitala ang pagyanig sa 14 kilometro timog-kanluran ng San Joaquin.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na anim na kilometro.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Miag-Ao, Iloilo habang Intensity 3 sa Anini-y at Hamtic, Antique.

Bukod sa 4.5 na lindol, naramdaman din sa san Joaquin ang Magnitude 4.4 na pagyanig kaninang alas 8:32 at alas 8:41 ng umaga at magnitude 3.4 kaninang alas 8:59 at alas 9:05 ng umaga at magnitude 3.2 kaninang alas 9:19 ng umaga at magnitude 3.6 kaninang alas-9:58.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *