San Agustin, Surigao del Sur, niyanig ng Magnitude 6 na lindol

San Agustin, Surigao del Sur, niyanig ng Magnitude 6 na lindol

NIYANIG ng Magnitude 6 na lindol ang San Agustin, Surigao del Sur.

Naitala ang pagyanig sa 29 kilometro timog-kanluran ng bayan ng San Agustin kaninang alas 6:37 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 33 kilometro.

Naramdamanan ang Intensity 5 sa City of Bislig, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur at Intensity 4 sa Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Surigao del Sur.

Habang Intensity 3 sa Cagayan de Oro City; Tagaloan, Villanueva, Balingasag, Misamis Oriental; Intensity 2 sa El Salvador City, Initao, Luagit, Manticao, Misamis Oriental; Virac, Catanduanes at Intenisty I sa Iligan City.

Inaasahan naman na magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nangyaring pagyanig.

Samantala, sinabi ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa mga baybaying dagat ng bansa matapos ang tumamang malakas na lindol sa Surigao del Sur.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *