sa Lahore, Pakistan
International

Sampu katao patay sa suicide bombing sa Lahore, Pakistan

SAMPU katao ang kumpirmadong patay sa pag-atake ng suicide bomber sa mga security forces na nagbabantay sa kilalang Sufi Shrine sa Lahore, Pakistan.

Daan-daang mga pilgrim ang nasa labas at loob ng nasabing shrine nang mangyari ang pagsabog.

Kabilang sa nasawi ang limang pulis at limang sibilyan habang pinangambahan naman na tumaas pa ang bilang ng nasawi dahil sa kritikal ng kondisyon ng ilang mga nasugatan.

Inaangkin naman ng Hizbul Ahrar ang responsibilidad ng pag-atake kungsaan target ng grupo ang mga pulis.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *