isinuko
Showbiz

Samantha Lo, isinuko na ang korona bilang BB. Pilipinas Grand International 2019

ISINUKO na ng beauty queen na si Samantha Lo ang kanyang korona bilang BB. Pilipinas Grand International 2019.

Sa kanyang Instagram post, tila nagpaalam na si Samantha sa kanyang korona dahil sa bahagi ng caption nitong ‘Ms Grand Philippines 2019 officially signing off’.

Naging usap-usapan ito ng netizen dahil sa Abril o Mayo pa sa sususnod na taon nakatakdang matapos ang kanyang termino bilang BB. Pilipinas Grand International 2019.

Hindi rin malinaw kung boluntaryo ang naging pagbibitiw ni Samantha sa kanyang korona o kung binawi man ito ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI).

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya si Samanta noong October 2019, nang ipa-deport ito pabalik ng Pilipinas.

Nabanggit din ni Samantha na hindi ang organisasyon ang tumulong sa kanya upang makabalik ng Pilipinas kundi ang pamilya at ilang Filipino na mariin namang pinabulaanan ng BPCI.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang BPCI kaugnay sa pagbibitiw nito.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *