engaged na!
Showbiz

Sam Pinto at Anthony Semerad, engaged na!

IKAKASAL na si two-time FHM Philippines Sexiest Woman title holder Sam Pinto.

Masayang ibinahagi ni Sam na-nagpropose na sa kaniya ang kasintahang PBA Basketball player na si Anthony Semerad.

Kwento ni Sam, naganap ang proposal sa kanilang Australia trip noong August.

Fully prepared ang naganap na proposal ni Anthony na isinagawa sa Gold Coast with matching limosine at gondola ride.

Ani ni Sam, naging emosyonal siya nang makita ang singsing ay syempre hindi na nag-atubili pang ibigay ang matamis niyang “yes”.

Sa mga susunod na linggo ay ilalabas ng dalawa ang larawan na kuha sa kanilang engagement.

Nakatakdang ikasal sina Sam at Anthony sa 2021.

 

SMNI NEWS 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *