Business

Sabwatan ng Meralco at power producers, patuloy na iimbestigahan sa Kamara

BONUS OFFER

 

PATULOY na iimbestigahan ng Kamara ang Manila Electric Company (Meralco) kaugnay sa mataas na singil nito sa kuryente.

 

Sinabi ni House Speaker Deputy Dan Fernandez, maaari umanong may sabwatan na nagaganap sa pagitan ng kompanya at ng mga power producer.

 

Sa panayam sa programang Usaping Bayan ni Mike Abe, binatikos ni House Deputy Speaker Dan Fernandez ang pag-iwas umano ng  Meralco na ipatupad ang blended generation para mapababa ang singil sa kuryente.

 

Sa ilalim ng blended generation, tatlo ang source na kanilang pinagbibilhan ng kuryente na may magkakaibang presyo.

 

Kabilang dito ay ang kuryenteng galing sa mga base load power plant o ang murang uri ng kuryente.

 

Ikalawa ay ang mid-merit power source na mahal ng kaunti sa base power plant at pangatlo ay ang peaking power plant na siyang pinakamahal dahil ginamitan ito ng diesel.

Infinix

 

Pangamba ni Fernandez na baka mas umaangkat ng kuryente ang Meralco doon sa mas mahal na power source kaya mataas din ang bayad ngayon sa kuryente.

 

Sa ilalim ng Epira Law, inaatasan ang mga utility companies gaya ng Meralco na humanap ng paraan para laging mapababa ang presyo ng kuryente sa mga konsyumer.

 

Narito ang pahayag ni House Speaker Deputy Dan Fernandez:

 

 

Hinala naman ng kongresista may sabwatang nangyayari kung kaya mahal ang singil sa kuryente ng Meralco.

 

“Kaya ang ginagawa namin ay pinakukuha namin ang lahat ng kontrata ng Meralco. Pero ung isang nag-shine doon nakita natin na ginagamit nila ung natural gas na mas mahal ay nanggaling doon sa First Gas Power Corporation na nakakontrata sila ng 25 years – mga Lopez. Mga Lopez ang may-ari,” ayon kay Fernando.

 

Tiniyak naman ni Fernandez na magpapatuloy ang kanilang operasyon sa Kamara kaugnay sa Meralco.

 

“We want to discover kung ito ay itinuloy ng Meralco under sa Pangilinan Group. Kung ang sistema na ginawa ng mga Lopez, itinuloy nila Pangilinan katulad doon sa “bakit hindi niyo mini-mix ito?’ Noong sa panahon nila Lopez, hindi nila mini-mix. Noong panahon ni Pangilinan, hindi nila mini-mix. Tapos sa panahon ni Lopez, ung tinatawag nating hoax na sinasabi ko kanina, ang kompyutasyon ay halos kalahati ginawa ng mga Lopez, ginawa ng iba. Yan ang ididiskubre natin,” aniya pa.

 

Pinagsusumite naman ang Meralco ng kanilang hourly schedule of supply para matukoy kung saan mas kumukuha ng kuryente ang Meralco sa ilalim ng blended generation.

 

Sa ngayon ay nasa mahigit sa 50,000 reklamo na ang natatanggap ng Energy Regulatory Commission o ERC laban sa Meralco dahil sa mataas na billing.

 

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close