S-400 missiles
International

S-400 missiles galing Russia, idedeploy sa Turkey sa kabila ng pagbabanta ng US

BAGAMA’T nauna ng binalaan ng Amerika at mga kaalyado nito mula sa North Atlantic Treaty Organization o NATO ay itutuloy ng Turkey ang balak nitong pagdedeploy ng S-400 missiles galing Russia.

Ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan ay nakatakdang i-deploy ang nasabing missile defense system sa Abril 2020 na maituturing umanong pinakamalakas na depensa ng bansa laban sa mga kaaway.

Nauna nang nagbabala ng US sanctions ang Amerika laban sa Turkey kaugnay sa pagbili ng mga armas mula Russia at posible umanong hindi na nito makuha ang biniling jets at makakuha ng F-35 parts mula U.S.

Sinabi naman ni Erdogan na may kapangyarihan si US Pres. Donald Trump na alisin ang sanctions laban sa Turkey at maaari umanong pag-usapan ang naturang isyu.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *