Nuclear Arms Reduction Treaty
International

Russia, handang kumalas sa Nuclear Arms Reduction Treaty nito sa Amerika

HANDA na si Russian Pres. Vladimir Putin na kumalas sa Nuclear Arms Reduction Treaty nito sa Amerika sakaling hindi na tuluyang mapalawig pa ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Layunin ng New Strategic Arms Reduction Treaty o New Start na limitahan ang idedeploy na nuclear warheads ng Amerika at Russia kabilang na ang missiles at bombers nito.

Ayon kay Putin ay mukhang hindi interesado ang Amerika na palawigin pa ang treaty at nagbabala na maaari itong humantong sa isang global catastrophe o nuclear weapons arms race.

Ang nasabing treaty ay nakatakdang mag-expire sa taong 2021 at itinuturing na isa sa pangunahing treaty na may kontrol sa deployment ng nuclear superpowers sa mundo.

Ito na ang pangalawang Superpower Arms Control Treaty na nakatakdang malusaw matapos kumalas si US Pres. Donald Trump sa Intermediate-Range Nuclear Forces (INF) treaty nito sa Russia noong Pebrero.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *